Bunga ng Kasalanan.
Nakakapag-isip na bakit nga ba ito ang
ginamit ni Cirio Panganiban na pamagat sa kanyang maikling kwento. Nakakaakit
ang pamagat hindi ba? Parang may kakaiba sa storya na ito at ito ay napatunayan
ko.
Nakakatuwa lamang ang pagkakagawa
ni Cirio Panganiban sa storyang ito, dahil kakaiba ang kwento na ginawa niya na
totoo namang nangyayari sa realidad. Si Virginia at Rodin lamang ay isang
halimbawa ng mga mag-asawa na gusto lamang magkaanak, dala na rin ng
modernisasyon, kaya sila ay lumapit na sa isang doctor. Kung ating pagsusumahin
ay may mga mag-asawa rin ngayon na wala ring mga anak na pumupunta din sa mga
hospital. Ngunit kahit ang mga supling na sinasabing resulta ng mga gamot
lamang ay tandaan nating ito pa rin ay biyaya ng Maykapal sa mga mag-asawa at
ito ay hindi bunga ng kasalanan.
Kakaiba ang storyang Bungan g
Kasalanan ni Cirio Panganiban sapagkat nailagay niya talaga ang mga totoong
nangyayari sa buhay. Nagbigay pa siya ng aral sa mga mag-asawa na katulad din
nina Virginia at Rodin. May matututunan ang mga mambabasa lalo’t higit sa mga
mag-asawa ang kwentong ito. Kailangan lang lagi nating tandaan na ang bawat
bagay o nilalang sa mundong ito ay biyaya sa atin ng Maykapal.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento