Si Virginia ay isang babaing banal na sampung taong kasal na
ky Rodin. Sa sampung taon nilang pagsasama ay hindi pa sila nagkaka-anak. Si
Virginia ay hindi pa nakakaranas na maging isang ina. Mayaman sina Vrginia at
Rodin at sila ay namumuhay sa kasaganaan. Ang tanging panalangin lamang ng
mag-aawa ay ang magka-anak sila. Ngunit muling nagkaroon ng pag-asa ang
mag-asawa noong nalaman nila na maaari pa silang maka-anak. Natuklasan nila ang
isang paggagamot upang magkaroon ng anak. Matapos ang mahabang paggagamot ay
nagdalang-tao na si Virginia at pagkaraan ng mahabang buwan ay nanganak na
siya. Ang tuwa ng mag-asawa noong dumating sa kanilang buhay ang supling.
Ngunit, palibhasa’y si Virginia ay madasalin, marupok ang puso at mahina ang
pag-iisip ay nagkaroon siya ng alinlangan. Ibig na niyang maniwala na siya ay
makasalanan sapagkat nilabag niya ang kagustuhan ng Diyos na siya ay huwag
maging ina at dahil sa kasakiman nila sa kaligayahan at upang magkaroon din ng
panghihinayang na walang magmamana sa kanilang kayamanan ay papangyarihin pa ng
isang hamak na doctor lamang. Nang ganap ng mabalot ang isip ni Virginia sa
paniniwalang ang supling na iyon ay hindi nila laman kundi bula lamang ng mga
gamut na pinaghalu-halo ay nalimutan
niya ang kanyang mga tungkulin bilang isang ina. Nang minsan noong nakita ni
Virginia na nilalaro ni Rodin ang kanilang anak ay pinag-apuyan siya ng mata,
umigting ang kaniyang mga bagang matapos sabukayin ang kanyang nalugay na buhok
ay pasisid na inagaw sa mga bisig ni Rodin ang bata at sinabing “ Bungan g
kasalana! Ito ay hindi natin ank….” at sinundan ng isang mahabang halakhak.
Hindi nila anak ang batang pinaglalaanan ng giliw ni Rodin, ang hinehele at
inaawitan ng mga kundiman ng kabataan, na halos gabi-gabi ay pinagpupuyatan sa
pag-aalaga at inaalo ng maraming halik. Iyan ang sabi ng baliw na si Virginia. At
kinaumagahan noon, si Rodin, matapos nagdanas ng isang gabing walang tulog at
balisa ay sinikatan siya ng araw sa piling ng kanyang anak. Nasa higaan pa si
Virginia nang mga sandaling iyon ay nakita niya ang kanyang anak na parang
sisiw na sinambilat ni Rodin, nagsisipagnginig na daliri ng mabangis na mamang
iyon, ang kanyang mga kuko na ibinaon sa malalambot na laman ng sanggol at
pinapanlisik na mga matang umaapoy , pinagngangalit ang mga ngipin na parang
halimaw at saka walang habag na sinasakal ang kaawa-awang “bunga ng kasalanan”.
Napasigaw ng malakas si Virginia at nang iminulat niya ang kanyang mga mata ay
siya pala ay nananaginip lamang. At sa mga ngiti ng sanggol ay naliwanagan ang
pag-iisip ni Virginia na ang batang iyon, ang supling na iyon ay kanyang anak.
At ang mga pisngi ng mag-asawa ay nagdampi samantalang inuugoy nila ang
kanilang mga bisig ang panganay na supling na bunga ng kanilang pag-iibigan,
ang kabaliwan ni Virginia ang tinawag na bunga ng kasalanan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento