Biyernes, Nobyembre 4, 2016

Bunga ng Kasalanan: Repleksyon

Bunga ng Kasalanan. Nakakapag-isip  na bakit nga ba ito ang ginamit ni Cirio Panganiban na pamagat sa kanyang maikling kwento. Nakakaakit ang pamagat hindi ba? Parang may kakaiba sa storya na ito at ito ay napatunayan ko.
Nakakatuwa lamang ang pagkakagawa ni Cirio Panganiban sa storyang ito, dahil kakaiba ang kwento na ginawa niya na totoo namang nangyayari sa realidad. Si Virginia at Rodin lamang ay isang halimbawa ng mga mag-asawa na gusto lamang magkaanak, dala na rin ng modernisasyon, kaya sila ay lumapit na sa isang doctor. Kung ating pagsusumahin ay may mga mag-asawa rin ngayon na wala ring mga anak na pumupunta din sa mga hospital. Ngunit kahit ang mga supling na sinasabing resulta ng mga gamot lamang ay tandaan nating ito pa rin ay biyaya ng Maykapal sa mga mag-asawa at ito ay hindi bunga ng kasalanan.

Kakaiba ang storyang Bungan g Kasalanan ni Cirio Panganiban sapagkat nailagay niya talaga ang mga totoong nangyayari sa buhay. Nagbigay pa siya ng aral sa mga mag-asawa na katulad din nina Virginia at Rodin. May matututunan ang mga mambabasa lalo’t higit sa mga mag-asawa ang kwentong ito. Kailangan lang lagi nating tandaan na ang bawat bagay o nilalang sa mundong ito ay biyaya sa atin ng Maykapal.

Bunga ng Kasalanan: Buod

Si Virginia ay isang babaing banal na sampung taong kasal na ky Rodin. Sa sampung taon nilang pagsasama ay hindi pa sila nagkaka-anak. Si Virginia ay hindi pa nakakaranas na maging isang ina. Mayaman sina Vrginia at Rodin at sila ay namumuhay sa kasaganaan. Ang tanging panalangin lamang ng mag-aawa ay ang magka-anak sila. Ngunit muling nagkaroon ng pag-asa ang mag-asawa noong nalaman nila na maaari pa silang maka-anak. Natuklasan nila ang isang paggagamot upang magkaroon ng anak. Matapos ang mahabang paggagamot ay nagdalang-tao na si Virginia at pagkaraan ng mahabang buwan ay nanganak na siya. Ang tuwa ng mag-asawa noong dumating sa kanilang buhay ang supling. Ngunit, palibhasa’y si Virginia ay madasalin, marupok ang puso at mahina ang pag-iisip ay nagkaroon siya ng alinlangan. Ibig na niyang maniwala na siya ay makasalanan sapagkat nilabag niya ang kagustuhan ng Diyos na siya ay huwag maging ina at dahil sa kasakiman nila sa kaligayahan at upang magkaroon din ng panghihinayang na walang magmamana sa kanilang kayamanan ay papangyarihin pa ng isang hamak na doctor lamang. Nang ganap ng mabalot ang isip ni Virginia sa paniniwalang ang supling na iyon ay hindi nila laman kundi bula lamang ng mga gamut na pinaghalu-halo ay  nalimutan niya ang kanyang mga tungkulin bilang isang ina. Nang minsan noong nakita ni Virginia na nilalaro ni Rodin ang kanilang anak ay pinag-apuyan siya ng mata, umigting ang kaniyang mga bagang matapos sabukayin ang kanyang nalugay na buhok ay pasisid na inagaw sa mga bisig ni Rodin ang bata at sinabing “ Bungan g kasalana! Ito ay hindi natin ank….” at sinundan ng isang mahabang halakhak. Hindi nila anak ang batang pinaglalaanan ng giliw ni Rodin, ang hinehele at inaawitan ng mga kundiman ng kabataan, na halos gabi-gabi ay pinagpupuyatan sa pag-aalaga at inaalo ng maraming halik. Iyan ang sabi ng baliw na si Virginia. At kinaumagahan noon, si Rodin, matapos nagdanas ng isang gabing walang tulog at balisa ay sinikatan siya ng araw sa piling ng kanyang anak. Nasa higaan pa si Virginia nang mga sandaling iyon ay nakita niya ang kanyang anak na parang sisiw na sinambilat ni Rodin, nagsisipagnginig na daliri ng mabangis na mamang iyon, ang kanyang mga kuko na ibinaon sa malalambot na laman ng sanggol at pinapanlisik na mga matang umaapoy , pinagngangalit ang mga ngipin na parang halimaw at saka walang habag na sinasakal ang kaawa-awang “bunga ng kasalanan”. Napasigaw ng malakas si Virginia at nang iminulat niya ang kanyang mga mata ay siya pala ay nananaginip lamang. At sa mga ngiti ng sanggol ay naliwanagan ang pag-iisip ni Virginia na ang batang iyon, ang supling na iyon ay kanyang anak. At ang mga pisngi ng mag-asawa ay nagdampi samantalang inuugoy nila ang kanilang mga bisig ang panganay na supling na bunga ng kanilang pag-iibigan, ang kabaliwan ni Virginia ang tinawag na bunga ng kasalanan.